Ayon sa recovered na dokumento ng militar patungkol sa 1 bilyong pondo ng MAKABAYAN para sa eleksyon at sa pag-implementa ng tinatawag na permit-to-win sa ibat-ibang panig ng bansa ay mapapatunayan na talagang malaking halaga ang binabalak na paikutin ng Communist Party of the Philippines sa dadating na halalan.
Dahil sa natuklasan na modus-operandi ay talagang kayang-kaya nga ng CPP ang makalikom ng 1 bilyon pisong pondo o mas higit pa para lamang siguraduhin na makakapwesto nga ang apat nitong senatorial candidates na sila Satur Ocampo, Liza Masa, Rafael Mariano at Teddy Casiño.
Tila wala ng ipinagkaiba ang mga naturingang makamasang pulitiko sa mga TRAPOs sapagkat handa silang magpabayad sa mga politikong nangangandidato kapalit ng minimithing posisyon sa gobyerno. Ito ay pinaplano nilang ipatupad sa buong bansa. Sa ganitong sistema, hindi lang 1 bilyon ang kanilang makukuha dahil sa permit-to-win na modus operandi na ito.
Napag alaman din na napakalaking halaga ang kapalit nitong tinatawag na permit-to-win ng CPP dahil hindi lang permiso para makapagkandidato ang kasama dito kung hindi pati ang paniguradong pagkapanalo ng isang kandidato sa lugar na hawak ng mga rebelde. Mula sa kung ilan daang libong piso hanggang ilang milyon ang sinisingil ng mga NPA sa mga gustong manalong kandidato.
At kung walang agarang perang pambayad, handang magnegotiate itong mga rebelde na ang kapalit ay matataas na uri ng armas, ilang kaban ng bigas, bagong mga cell phones o di kaya’y isang taon na pambayad sa mga tinitirahan na apartment ng kanilang lider.
Bukod sa limpak-limpak na salapi, malinaw na hindi lang usapang pera ang napatunayan sa news report ni Laude sa Philippine Star kundi pati ang planong pagmamaniobra ng nasabing eleksyon. Dahil kapalit ng pera na ibabayad ng ilang politiko ay ang pangako ng CPP na boto ng mga residenteng kanilang sinasakupan at tinatakot upang sumunod.
Ganito naba ka-inutil ang COMELEC para hayaan ang ganitong klase ng pang-aabuso ng mga CPP tuwing may eleksyon? At ganito na din ba ka takaw sa posisyon an gating mga pulitiko para makipag alyansa sa mga rebelde?
Saturday, August 22, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment