Maaring nagtataka kayo kung nasaan na nga ba sina Bayan Muna Representative Satur Ocampo at Gabriela Representative Liza Maza? Bigla na lamang silang naglahong parang bula matapos ang isinagawang eleksyon noong nakaraang Mayo 10 kung saan sila ay kumandidato bilang senador sa ilalim ng Nacionalista Party. Totoo bang tinanggap na nila ang kanilang pagkatalo o sadyang pinagnilay-nilayan nila rason sa ang kanilang pagkatalo noong nakaraang eleksyon? Nakakapagduda lamang dahil hindi na sila aktibo ngayon lalo na sa isyung kinakaharap na resulta noong nakaraang eleksyon. May dapat bang ipangamba ang taong bayan sa hindi nila pangingialam?
Simula’t sapol ay nababatid natin na lagi na lamang nakikialam ang dalawang kongresista lalo na usaping patungkol sa pagyurak ng administrasyong Arroyo. Kaliwa’t kanan rin ang mga protesta at rally saan mang panig ng bansa para mabigyan ng boses ang mga naapi lalo na patungkol sa kawalan ng benepisyo sa trabaho, mababang pasahod, pagmamay-ari sa mga lupain, korapsyon sa gobyerno at marami pang iba. Ngunit, isang malaking tanong ng karamihan ay kung bakit hindi nararamdaman ang presenya nina Ocampo at Maza lalo na ngayong may malaking dayaan sa nakaraang halalan.
Ocampo at Maza, may pinagtataguan ba kayo? Bigla na lamang nawala ang dalawa pagkatapos ng eleksyon kung saan nabigo silang makuha ang kahit isang posisyon sa senado. Matatandaan na ang Communist Party of the Philippines (CPP) ay naglaan ng malaking pondo para sa pangangampanya ni Ocampo at Maza. Kung susuriing mabuti, ang pinag- uusapan dito ay paggasta ng malaking halaga ng grupo na nauwi lamang sa wala dahil sa pagkatalo ng dalawa. Hindi kaya may kaugnayan sa pera ang dahilan ng pagtatago nina Ocampo at Maza? Kung tutuusin, may malaking posibilidad na maari ngang nagtago sila dahil binigo nila nag partido dahil na rin sa sakripisyong ginawa ng mga miyembro ng buong CPP para sa kanila.
Malamang natatakot ang dalawa ngayon sa kanilang mga kasamahang rebelde dahil sa kanilang binibitiwang pangako sa mga ito na magkakaroon sila ng posisyon sa senado at pagiging miyembro ng gabinete kapag nanalo ang kanilang sinusuportahan. Siniguro pa ng dalawa na mababawi nila ang kanilang ginastos sa pangangampanya. Ang lahat ng pagsusumikap ng rebeldeng grupo sa pangangampanya at paglustay sa pondo ng partido ay hindi lamang sapat upang magluklok sa kaninuman sa posisyon. Marahil ito lamang ay nagbigay- daan upang mismo masira ang pagtitiwala at respetong ibinigay ng kasamahan nila sa grupo.
Monday, June 28, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment