“Kung hindi uukol, hindi bubukol”- isang kasabihan ng mga matatandang Pinoy na tugmang- tugama sa kinalabasan ng paglahok nina Satur Ocampo at Liza Masa sa senatorial race nitong nakaraang eleksyon. Hindi nakaguhit sa pulitika ng Pilipinas ang dalawang representante ng Bayan Muna at Gabriela ang pagiging senador ng ating bansa dahil malinaw na talagang napag- iwanan na sila sa bilangan ng kanilang mga katunggali.
Tama namang ang malaking agwat o maliit na bilang ng boto na nalikom ng dalawang kongresista ay nagpapahiwatig lamang ng papaliit na papaliit na mundo ng makakaliwang militanteng grupo tulad nila? Maari din senyales ito na nagsasabing nagsasawa na talaga ang taong bayan sa kaliwa’t kanang pagsisigaw sa mga kalye at sa kanilang walang katapusang mga rally laban sa gobyerno kung kaya’t naiisip nila na wala na ngang maibibigay na bago para sa bayan ang dalawa.
Suntok sa buwan ang ginawa ni Satur at Liza sa kanilang pagsabak sa pagka-senador lalo na ang ginawa nilang pakikipag-alyansa sa anak ng dati nilang itinuturing na kaaway na si Bongbong Marcos. Marahil ito ang dahilan kung bakit naging mapakla ang panlasa ng taong bayan sa dalawang kandidato dahil ito ay nagpapahiwatig lamang na hindi tunay ang pakikipaglaban para sa karapatan ng taong bayan bagkus ay mas importante pa ang pagpapalabas ng kanilang ngiping pulitikal na karaniwang nakikita natin sa mga tinatawag na TRAPO.
Umuwing luhaan din ang ibang kaalyadong partylist group nina Satur at Liza sa ilalim ng tinatawag na MAKABAYAN. Hindi nakakuha ng tamang boto ang mga grupo tulad ng KATRIBU at AKAP BATA samantalang halos tig-iisang posisyon lamang ang nakuha ng ilang kakamping partylist groups. Isa sa mga pahiwatig na patuloy na lumiliit ang suporta ng taong bayan sa mga makakaliwang ay ang malaking pagkatalo ng presidentiable na si Manny Villar. Kung matatandaan na inendorso mismo ni Communist Party of the Philippines Chairman Jose Ma. Sison ang nasabing kandidato tulad na din ang pag- endorse nito kay Satur at Liza. Sa madaling salita, kung sino man ang kumapi sa mga komunista at paniguradong natatalo sa anumang larangan. Kakampi pa ba kayo sa talunan?
Monday, June 28, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment