Nagiging usap usapan na at laman ng ibat ibang pahayagan,radio at internet ang pangalan ni Noynoy Aquino hindi lamang dahil sa puspusang pagpapalabas ng kanyang “sponsored advertisements” sa mga tv stations kundi dahil sa pagkakabuhay sa isyu ng mga magsasaka at Hacienda Luisita.
Matapos magdeklara ng kanyang pagtakbo sa pagka presidente sa darating na eleksiyon, kasabay nito ang pag anunsyo ni Noynoy ng kanyang balak na pagbitiw sa Hacienda Luisita ngunit makalipas ang isang buwan nang lumipas ang binigay na palugit ng naturang hacienda sa mga magsasaka noong Oktubre 31 na lisanin ang lupain na kinatitirikan ng kanilang tahanan ay wala paring nagagawa ang butihing Senador.
Kaugnay sa usaping ito, isa na namang isyu ang mangangaladkad sa pinapabangong pangalan ng Presidentiable matapos ang pagkaka ugnay ng isa sa kanyang security aide sa kasong frustrated murder na inapilahang muling bubuksan ng mga kasamang manggagawa ng mga biktima ng pamamaril na sina George Loveland, Ernesto Ramos and Malou Ricardo noong Enero 05, 1985 sa mismong pultahan ng Hacienda Luisita. Ang pagdawit ng mga umapila sa pangalan ni Noynoy ay dahil sa wala diumano itong hakbang na isinagawa matapos ang pamamaril at pagkakapatay sa mga trabahante ng naturang hacienda sa kabila ng kanyang presensya sa naturang insidente. Ayon sa isinagawang salaysay ng mga testigo, nakita pa diumano nila ang Senador na noon ay isang kongresista pa lamang, sakay ng Nissan Patrol SUV papasok sa naturang hacienda bago ang pangyayari.
Ang walang awang pagpatay sa tatlong manggagawa ay nag ugat sa sigalot ng mga manggagawa at ng pamunuan ng Hacienda Luisita sa lupaing ipinaglalaban ng nga maralitang magsasaka. Sa pagbubukas ni Noynoy ng kanyang pinto bilang public personality ay umaakibat dito ang paglantad ng ibat ibang isyung kanyang kasasangkutan lalo sa isyung kaugnay sa Hacienda Luisita.
Laman din ng mga speeches ni Noynoy ang pagbibigay nya ng tugon at solusyon sa suliranin ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita KUNG siya raw ay mananalo sa pagka Presidente. Panibagog pangako na naman para sa mga umaasang magsasaka. Papano kung hindi siya papalaring maging Pangulo? Ito nga ba ang mga dahilan kung kayat bumulusok paibaba ang popularity rating ng nangungunang Presidentiable ayon sa isang independent survey?
Maaring nakaapekto ang mga isyung ito lalo pa’t hindi lamang ang mga lipon ng magsasaka ang nakatutok kundi maging ang buong sambayanang Pilipino. Sa mga naging karanasan ng bansang Pilipinas sa nagdaang mga unos. Kailangang maging matalino at responsible sa pagpili ng pinuno. Ang Hacienda Luisita ay kapiranggot lamang na parte ng Pilipinas na hindi mabigyan ng kaagarang aksyon sa mga suliranin ng nasasakupan. Paano na lang kaya ang buong bansa?
Thursday, November 19, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment