Thursday, November 19, 2009

PAMAMARIL SA BAHAY NI NERI

Sino ang may kasalanan?

Kasalukuyang nasa state of calamity ang kabuuang Metro Manila at ibang parte ng Luzon dahil sa delubyong dulot ng bagyong Ondoy at Pepeng ng isang pangyayari ang gumulantang sa bahay ni Social Security Sytem (SSS) Secretary Romulo Neri sa Quezon City. Ilang linggo pa lamang ang nakakalipas ng paulanan ng putok ang bahay ni Neri ng mga hindi kilalalang armadong lalaki noong umaga ng Oktubre 09, 2009. Ayon sa mga naulat, wala namang sibilyan ang nasaktan sa insidente. Si Neri ay nakilala at naging kontrobersiyal dahil sa kanyang pagkakadawit sa multi-milyong dolyar na NBN-ZTE deal. Kung iisipin, marahil ang isyung ito ay isa sa mga posibleng dahilan sa nasabing pangyayari.
Ayon kay Neri, wala umano siyang natatanggap na banta kaya wala siyang ideya kung sino ang nasa likod ng pamamaril sa kanyang bahay. Wala nga ba talaga siyang kaaway? O baka marahil isa lamang itong palabas?
Maraming kuro-kuro at haka-haka sa mga posibleng dahilan ng pamamaril sa bahay ni Neri. Ang ilan ay nagsasabi na ito lamang ay pakulo ng gobyerno upang hindi matuloy ang nalalapit na eleksyon. At ang ilan naman ay inihahalintulad ang mga pangyayari sa naganap na pagbobomba ng sasakyan ni Enrile na sinundan ng pagdedeklera ng Martial Law noong 1972. Ngunit ano ba talaga ang katotohanan sa likod ng pag-atake kay Neri?
Kaduda-duda ang mga sinasabi ni Neri sa isang interbyu sa kanya. Ayon sa kanya, kasalukuyan siyang naliligo bilang paghahanda sa pagpasok sa opisina. Narinig niya ang ingay sa labas ng kanyang bahay at inakalang mga mesa lamang iyon na nahulog. Ang putok ba ng baril na tinatayang 100 bala ang nakita sa bahay ni Neri ay kasing-tunog lang na ng mga mesang nalalaglag?
May mga naglabasang ulat na sinasabing balak talagang dukutin si Neri. Ito ay upang puwersahin siyang pagsalitain patungkol sa kanyang mga nalalaman sa NBN-ZTE deal. Kung totoo nga ang mga ito, panibagong destabilisasyon ang nakaandang para sa kasalukuyang administrasyon. Posible na ang pangyayaring ito ay simula pa lamang ng kaguluhan na kakaharapin ni Pangulong Arroyo bago matapos ang kanyang termino.
Hindi umano, ang hinihinalang grupo na sumalakay at pinagbabaril ang bahay ng naturang kalihim ng SSS ay ang pinakamahusay na grupong Ilonggo-Kapampangan. May isang malaking tao sa likod ng pangyayari na nag-utos at nag-plano upang takutin si Neri. Ang utak ng lahat ay walang iba kundi si Senador Panfilo “Ping” Lacson. At dahil sa mga patuloy na kaguluhang nangyayari sa bansa, malamang matuloy ang isinusulong niyang Transitional Revolutionary Government (TRG).

No comments:

Post a Comment