Wednesday, February 17, 2010

SATUR PLASTIK, DI TUNAY NA AYAW KAY BONGBONG

Muli nating napatunayan na isang magaling na artista lamang itong si Bayan Muna Representative Satur Ocampo dahil ito ay nagpaka-plastic sa mismong Christmas party na idinaraos sa compound ng Nacionalista Party ni Senador Manny Villar. Dati-rati ay parati nating nakikitang nanggagalaiti itong si Satur upang itanggi sa publiko ang kahit ano mang ugnayan niya kay Bongbong Marcos ngunit sa nasabing pagdiriwang ay bigla itong kumabig at nakipag-kamay sa nasabing personalidad. Ano ang motibo sa likod ng kaniyang biglang pagkabig?
Sa tulad nating mga botante, isa lamang ang mensahe nito. Ito ay ang patunay na tulad ng mga pulitikong binabatikos ni Satur Ocampo ay siya rin pala ay isang sertipikadong TRAPO na may kakayahang talikuran ang prinsipyo para lamang makakuha ng pogi points sa publiko at media at upang matiyak ang kaniyang pagkapanalo sa dadating na eleksyon sa 2010. Kung dati ay madalas natin naririnig ang boses ni Satur na kaliwa’t kanan na nagsasambit ng batikos laban sa kung sino man ang kaniyang gustong siraan, ngayon ay madalas na natin itong nakikitang naka-ngiting aso.
Nakakaawa na madali niyang nalinlang ang kaniyang mga taga-suporta na mga NPA na hanggang ngayon ay patuloy na lumilikom ng pera para sa kaniyang kandidatura. Lingid sa kanilang kaalaman ay na nabenta na pala ni Satur ang kaniyang prinsipyo at ngayon ay gahamang nag-aambisyon na lamang ng mataas na pwesto para sa sarili lamang niyang kapakanan. Kumpletong-kumpleto na talaga ang ginagawang pagbabalat kayo ni Satur Ocampo bilang “sugo” ng mga NPA sa pagpasok sa pulitika ng ating bansa ngunit sa katunayan ay ginagagamit lamang niya ang mga ito upang palawakin ang kaniya tsansa sa 2010 at upang makalikom ng pinansyal na resources.
Tulad ng isang TRAPO, makikita natin ang kagalingan ni Satur sa pagpapabango ng kaniyang pangalan at ang pakikipag-alyansa nito maski sa mga grupong may salunggat na paninindigan kesa sa kaniya at sa grupo na sumusuporta sa kaniya. Napag-alaman na ang pag-alis ni Satur at Liza Maza sa senatorial slate ni Senador Villar pagkatapos ipasok si Marcos ay isang stratehiya lamang upang ipamukha ng dalawa ang mawawalang boto sa Nacionalista Party presidentiable sakali sila ay tuluyang ilaglag.
Dapat palakpakan si Satur Ocampo at Liza Maza sa kanilang magaling na pagbabalat-kayo at panlilinlang na ginagawa sa publiko at pati na rin sa mga NPA na parang mga puppet na sumusunod sa kanilang layaw. Kailan kaya sila magigising sa katotohanan?

No comments:

Post a Comment